NAKABALIK na sa bansa ang isang Pinay na biktima ng call center scam sa Myanmar matapos ang ilang taon paghihirap sa kamay ng kanyang malupit na Indian employer.
Sa impormasyon na nakarating sa pamunuan ng Bureau of Immigration (BI), dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong pang Marso 9 sakay ng Philippine Airline flight mula Bangkok.
Ayon sa report, dating online gaming company employee sa Clark, Pampanga nang ma-recuit via facebook ng dalawang Pinoy na nagngangalang Mel at Sam na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng call center scam sa Myanmar.
Sa salaysay ng biktima, pinagkunwari siya bilang isang turista ng dalawa recruiter upang madaling makapasok sa Thailand at makaraang ang isang Linggo, isinakay siya sa pribadong sasakyan papuntang Myanmar.
Nagtrabaho ang Pinay sa isang online betting company sa Mynamar na pag-aari ng Indian national at ang kanyang initial salary ay umaabot sa 1000 hanggang 1500 bawat buwan at may quota na kalahating milyon Indian Rupees katumbas ng P330,000.
Nagtatrabaho ang Pinay ng labing dalawang oras sa isang araw at walang pahinga o dayoff na batay sa kanyang salaysay pinayagan siya makauwi matapos magbayad ng halagang 170,000 at karagdagan na 28,000 para makatawid sa Thailand.
At agad itong humingi ng tulong sa Philippine embassy upang makauwi sa Pilipinas. FROILAN MORALLOS