BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga opisyal ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang Filipina bago makasakay sa kanyang Cathay Pacific flight palabas ng bansa dahil sa pekeng Immigration stamp.

Ayon sa report, ang biktima ay bibisita sa kanyang boyfriend sa Netherland at nagkunyari na tapos na siya sa immigration procedures.

Ngunit, pagdating sa primary inspection nadiskubre na fraudulent ang stamp na nakatatak sa passport.

Kaya’t nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng immigration na sa kalaunan ay inamin ng biktima na nagbigay siya ng P160,000 sa babae na naglakad sa kanyang mga pekeng dokumento sa loob ng fast food restaurant sa NAIA.

Kasalukuyan ang biktima ay nasa kustodiya ng mga tauhan ng Inter-Agency Against Trafficking (IACAT), upang sumailalim sa masusing imbestigasyon alinsunod sa IACAT rules and regulation.

FROILAN MORALLOS