PINAG-IINGAT ni Senador Christopher Bong Go ang mga Pinoy na sa mga illegal recruiter na nangangako ng magandang trabaho sa ibang bansa.
Ang panawagan ni Go ay bilang tugon sa pagdating sa bansa ng may 147 na undocumented na mga Pinoy na biktima ng illegal recruitment.
Ayon sa senador, huwag dapat basta-basta maniniwala sa mga alok na trabaho na alanganin ang papeles lalo na kapag mayroon nang babayaran.
Iginiit pa nito, ito ang isa sa mga dahilan kaya isinusulong sa Senado ang paglikha ng Department of OFW upang mayroong ahensiya na nakatutok lang sa pangangailangan ng mga OFW mapa-documented o undocumented man ang mga ito.
At umaasa naman si Go na maipasa na ang panukala bago matapos ang taon kung saan sa kasalukuyan ay mayroon nang technical working group na nakatutok dito. VICKY CERVALES
Comments are closed.