ISANG Pilipina na pinaniniwalaang biktima ng Mail Order bride scheme ang na-intercept ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bago makasakay sa kanyang flight papuntang China.
Ayon sa report, ang biktima ay palabas ng bansa kasama ang kanyang asawa na isang Chinese national, at pagpasok sa immigration counter ay nagduda ang immigration officer on duty dahil sa unang arangkada ng question and answer portion ay hindi kumbinsido ito.
Dahil maraming inconsistencies sa kanilang mga sagot, bagkus nagpresenta pa ito ng original certificate ng kanilang kasal na idinaos sa Kamasi, Maguindanao noong Oktober 2022, ngunit sa pagberipika ay natuklasang wala sa bansa ang Chinese national sa petsang sinasabing idinaos ang kasal.
Ayon sa pahayag ng biktima, ang kanilang marriage certificate ay ginawa ng isang agency sa China, kung saan nagbayad sila ng halagang P40,000.
Batay sa forensic documents laboratory inspection ng BI, genuine ang mga dokumento, ngunit peke ang mga detalye.
Napatunayan ng immigration na isa ito sa bagong modus ng human trafficking para madaling makakumbinsi ng kanilang mga biktima
Kahalintulad ito sa nangyari sa isang 18 anyos na Pinay na matapos makarating sa Xiamen, China ay naranasan niya ang physical abuse mula sa kanyang pseudo-husband, pinagbabayad ng kanyang pagkain, at gusto pa siyang patayin kapag tumatangging nakikipagtalik. FROILAN
MORALLOS