PITONG Pinoy sa Syria na biktima ng trafficking ang nakauwi na, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dumating ang mga ito nitong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang naturang mga Pinoy ay inilikas ng Philippine Embassy sa Damascus dahil sa hindi nila magandang kondisyon sa trabaho at sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.
Agad namang nakipagtulungan ang DFA sa kanilang mga employer at recruitment agency, pati na rin sa mga opisyal ng gobyerno ng Syrian Arab Republic, para sa mabilis at naaangkop na pagbibigay ng mga exit visa.
“The repatriation of these seven trafficking survivors from Syria reflects the DFA’s continuing commitment towards protecting and assisting each and every one of our distressed Kababayans who are in need of help and assistance,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.
Sinabi ng DFA na ang mga umuwi ay makatatanggap ng tulong ng gobyerno sa pagsampa ng mga kaso laban sa kanilang mga amo.
Sinalubong ng DFA’s Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Social Welfare and Development, Inter-Agency Council Against Trafficking, Bureau of Immigration at Philippine Coast Guard ang mga Pinoy na dumating at binigyan ng kaalaman tungkol sa COVID-19 health protocols. LIEZELLE SORIANO
598241 338286 Spot on with this write-up, I truly think this web site needs much far more consideration. Ill probably be once more to read much more, thanks for that info. 11050
285749 783395I discovered your weblog internet site on google and check a couple of of your early posts. Proceed to maintain up the really very good operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Searching for ahead to reading extra from you later on! 860926
428035 805877But wanna admit that this is really useful , Thanks for taking your time to write this. 103937
614376 155018Spot on with this write-up, I genuinely suppose this site needs significantly more consideration. probably be once a lot more to learn way far more, thanks for that information. 411233