HABANG lumolobo ang bilang ng mga taong naapektuhan ng Bagyong Marce ay itinaas naman sa signal Number 1 ang ilang lugar sa Hilagang Luzon na posibleng daang ng bagong Tropical Depression Nika.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, may kabuuang 65,610 indibidwal o 21,273 pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1 o Ilocos region, Region 2 o Cagayan valley at Cordillera Administrative Region na possible ring daan ni Nika .
Pinakamarami sa naapektuhan ay mula sa Region 2 sa halos 50,000 katao.
Nasa 24,369 na mga indibidwal o 24,369 pamilya naman ang kasalukuyang tumutuloy sa iba’t ibang evacuation centers sa tatlong rehiyon.
Bukod sa bilang ng mga apektado, mayroon din napaulat na isang nasaktan at isang nawawala mula sa Region 1.
Samantala, naging ganap ng tropical depression si Nika nang pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado.
Itinaas ng PAGASA sa Wind signal No. 1 ang bahagi ng Catanduanes na posibleng umanong lumakas pa ito at maging isang tropical storm category bago mag-landfall sa Isabela or Aurora sa Lunes bago lumabas sa PAR ng Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.
Subalit, ayon sa monitoring ng state weather bureau ay may isa pang sama ng panahon na namumuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa bahagi ng Northeastern Mindanao.
VERLIN RUIZ