(Bilang b-day treat) ROCCO NACINO NAMIGAY NG INUMIN AT PAGKAIN SA MILITARY FRONTLINERS

MARSO 21 ang petsa ng kapanganakan ng Kapuso  hunk actor at isa sa pangunahing karakter ng “Descendants of the Sun” ng GMA7 wallfacePrimetime Block, si Rocco Nacino. Natapat naman sa enhanced community quarantine para

maiwasan ang paglaganap ng COVID19.

Hindi naging hadlang ito aktor para maging masaya ang kanyang ika-33 kaarawan.

Bilang isang Philippine Navy Reservist ay binisita ni Rocco at kinumusta  ang military frontliners. Suot din ang kanyang military uniform ay nakipagbalitaan siya sa mga ito. Say pa nga ni Rocco, siya na halos ilang oras lang sa site ay nakaramdam agad ng init ng araw, paano pa kaya raw ang mga kasundaluhan natin na halos buong araw nasa site?

Bumisita rin siya at nagbigay ng pagkain at malamig na inumin sa mga military sa checkpoint.

Naging makabuluhan para kay Rocco ang araw na iyon ng kanyang kapanganakan. Nadama niya ang sakripisyo at pagiging makabayan ng mga kasundaluhan sa oras ng krisis. Sinaluduhan din niya mga ito, mga doktors at nurses at maging ang iba pang medical teams at volunteers sa panahon na ito ng crisis.

 

AI AI DELAS ALAS NAKAPAG-TAPING BAGO MAG-LOCKDOWN

BAGO pa man huminto pansamantala ang galawan sa mundo ng showbiz  para umiwas sa malawakang paglaganap ng nakamamatay na COVID 19 pandemic ay nasimulan ng mag-taping ni AiAi delas Alas ng  pinakabago niyang teleserye sa Kapuso Network, ang romcom serye na “Owe My Love” kasama sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Bukod sa excited na muling gumawa ng teleserye ay masaya rin ang komedyana na muling nakasama ang isa sa member dating inaalagaan niyang grupo na Ex-Battalion o Ex-B, na si King Badger o Jon Gutierrez. Kung matatandaan dahilan sa matinding hinanakit at walang pagrespeto kung kaya binitawan ni Ai Ai ang pangangalaga sa karir ng naturang boyband.

Ani Ai Ai, wala na raw ‘yung hinanakit sa kanyang puso, lumipas na raw ito. At say pa ni Ai Ai, happy siya at nakasama makakatrabaho muli ang isa sa tinuturing niyang pinakamabait na member ng Ex-B. Pulos positivity na ang pinaiiral ni Ai Ai sa kanyang buhay ngayon lalo pa nga’t nahaharap ang mga Pinoy sa isang deadly virus di lang dito sa bansa gayundin sa ibang mga bansa.

One thought on “(Bilang b-day treat) ROCCO NACINO NAMIGAY NG INUMIN AT PAGKAIN SA MILITARY FRONTLINERS”

  1. 530115 476373Once I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any means you possibly can remove me from that service? Thanks! 642784

Comments are closed.