KUKUHA ang Office of Civil Defense (OCD) ng 100 partner bikers sa motorcycle ride-hailing na magiging mga tagapagligtas at first responders.
Ito ay matapos na lumagda sa isang memorandum of agreement ang OCD sa Angkas para maging ka tuwang sa rescue operations, kung saan may 100 bikers ang ire-recruit bilang Calamity First Responders.
Sa nasabing kasunduan, layunin din na makabuo ng advanced delivery system sa paghahatid ng essential goods at mabilisang emergency response efforts sa panahon ng kalamidad at iba pang disasters sa Metro Manila at Cebu, kung saan malakas ang presensiya ng app at may established methods of distribution na.
Bilang bahagi ng kasunduan ay kukuha muna ang Angkas ng initial na 100 skilled and well-trained partner bikers para isabak sa rescue operations ng OCD ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Bukod dito ay magkakaloob din ang Angkas ng Urban Search and Rescue Equipment at mga kagamitan sa tactical units ng OCD.
Sumaksi sa MOA signing sina OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno at Angkas Chief Executive Officer George Royeca.
Ayon kay Nepomuceno masasabing “symbolic” ang nasabing partnership kung saan ang gobyerno at private sector ay magkatuwang na naghahanda para sa mga Pilipino sakaling may dumating na sakuna .
“[This MOA] aims to manage calamities with the least possible casualties or damage,” ani Nepomuceno.
“On behalf of our organization, let me express our gratitude and appreciation for your willingness to assist our organization in our mission of helping save our communities during emergencies. The mission or job of saving Filipinos cannot be handled solely by the government, it cannot be handled by the government alone,” dagdag pa nito.
“Walang ibang paraan kundi tayo ay magtulungan, With this commitment, we heed the call of the OCD, kapag mayroon tayong disaster, may calamity. Privilege na makuha ng isang Angkas biker na ma-recognize,” ani Royeca.
“Isang duty nila para tumulong din sa taumbayan. Through the training that OCD will provide, we hope that it would strengthen the skill of our bikers to really provide assistance in times of emergencies,” anito. VERLIN RUIZ