(Bilang campaign expenses) POL ADS SA SOC MED PINAG-AARALAN PA NG COMELEC

James Jimenez

PINAG-AARALAN pa ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na maisama bilang campaign expense o gastos sa kampanya ang political advertisement sa social media kaugnay sa 2022 national elections.

Ayon ito kay Comelec Spokesperson James Jimenez bilang pagkontra sa naunang pahayag ni Senate Committee on Electoral Reforms Chair Imee Marcos na nalilito ito sa nasabing polisiya na ipatutupad ng komisyon simula sa Oktubre.

Sinabi sa DWIZ ni Jimenez na ang nasabing hakbangin ay pareho rin ng mga naisulong na sa Senado.

Ayon kay Senador Marcos, bagama’t  hindi siya election lawyer, pero ang pagkakaintindi  o sa tingin niya ay maaaring paglabag sa umiiral na batas kung agarang ikonsidera na bahagi ng gastos sa kampanya ang political ads sa social media ng mga kandidato pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy (COC).

Maliwanag naman aniya na ang campaign period para sa national candidates ay 90 araw bago ang  eleksiyon kaya’t sa Pebrero 8 pa ito mag-uumpisa habang sa local candidates ay 45 araw kaya’t sa Marso 25 ito magsisimula.

Maaari aniyang magdulot ng seryosong implikasyon kung agad na ikonsidera na gastos sa kampanya  ang political ad sa social media pagkatapos ng filing ng COC dahil hindi  ganito ang intensiyon ng batas.

11 thoughts on “(Bilang campaign expenses) POL ADS SA SOC MED PINAG-AARALAN PA NG COMELEC”

Comments are closed.