BILANG NG CONVENIENCE STORES, PATULOY SA PAGLAGO

CONVENIENCE STORE

NAUNGUSAN na ng convenience stores ang supermarkets sa paglago ng bansa, habang ang sari-sari stores at mga puwesto sa palengke ay nabawasan, ayon sa research na ginawa ng Nielsen.

Lumago ang convenience stores ng 20 porsiyento noong 2017, kompara sa 15 porsiyento noong nagdaang taon. Bumaba ang sari-sari stores ng 1 porsiyento mula sa 1 porsiyentong paglago habang ang mga puwesto sa palengke ay bumagsak ng 3 porsiyento mula sa zero na paglago noong 2016, pahayag ng Nielsen.

Dumoble ang bilang ng maliliit na tindahan, kasama ang convenience stores at maliliit na bersiyon ng supermarkets sa 410 sa unang quarter ng 2018 mula sa  220 noong 2013, ayon sa Nielsen’s Retail Establishment survey.

“Propelling the growth of small format stores is the increasing influence of four global megatrends which are supporting the growing consumer de-mand for faster and more convenient shopping experiences—urbanization, women joining the workforce, shrinking household size, and the rise of eat-ing out,” sabi pa ng Nielsen.

Nakapagpasigla ang business process outsourcing industry sa paglago ng mga retail channels, ayon sa report.

Tinipon ng Nielsen ang 1,991 respondents mula sa edad na 15 hanggang 65 noong Disyembre para sa pag-aaral, na ang summary ay ire-release sa kanilang website ngayong linggo.

Nang tanungin para bigyan ng ranggo kung ano ang hinahanap nila sa isang tindahan, “convenient to go” agad ang unang sagot na sinundan ng mababang presyo sa ilang items, mahabang oras na bukas ito, value for money, madaling hanapin ang kailangan nila, at naroon nang lahat ng kanilang kailangan sa isang shop, magaling at mabilis na checkout counters, maraming parking, good deals and promos at naroon agad ang brand bilang “good alternatives” sa main brands.

Comments are closed.