BILANG NG COVID-19 CASES SA PH 390K NA

DOH

UMAABOT na sa halos 390,000 ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin #236 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4PM nitong Nobyembre 5, 2020, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 1,594 bagong kaso ng sakit, kaya’t umabot na sa kabuuang 389,725 ang mga kaso ng COVID-19 sa Filipinas.

Mayroon  namang 468 pasyente pa na gumaling sa virus, kaya’t sa kabuuan ay mayroon nang 349,543 ang total COVID-19 recoveries na naitatala sa bansa.

Samantala, mayroon ding 42 pasyente pa ang pumanaw dahil sa karamdaman, kaya’t mayroon nang 7,409 COVID-19 death toll sa bansa.

“Ngayong 4PM, Nobyembre 05, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,594 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 468 na gumaling at 42 na pumanaw,” anang DOH.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.4% (32,773) ang aktibong kaso, 89.7% (349,543) na ang gumaling, at 1.90% (7,409) ang namatay,” anito pa.

Sa kabuuang bilang naman ng aktibong kaso, 83% ang mild cases lamang, 10.1% ang asymptomatic, 4.4% ang kritikal habang 2.5% ang severe.

Pinakamaraming bagong kaso ng sakit na naitala sa Maynila na nasa 253; sumunod ang Cavite na nasa 126; Davao City at Rizal na may tig-78, at Quezon City na may 73.

Mayroon r namang anim na duplicates na inalis sa listahan mula sa total case count, at sa naturang bilang, dalawa ang recovered cases.

Mayroon  14 kaso na unang tinukoy na nakarekober ngunit malaunan ay nakumpirmang binawian pala ng buhay.

Samantala, mayroon pa umanong 10 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang Nobyembre 4, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.