BILANG NG ENROLLEES BUMABA

UMABOT lamang 77,248 na estudyante ang nakapag-enrol sa mga pampublikong eskuwelahan sa Muntinlupa.

Napag-alaman sa report ng Schools Division Office (SDO) ng lungsod na nagsabing ang bilang ng nakapag-enrol na estudyante sa pampublikong eskuwelahan sa lungsod na 77,248 ay mas mababa ng 9,759 sa kabuuang 87,007 estudyante noong nakaraang taon na katumbas ng 11.21 porsiyento.

Ayon sa SDO, sa mga nakapag-enrol na estudyante ngayong taon na ito mula Kinder hanggang Grade 12 gayundin ang mga napapabilang sa Special Education (SPED) ay 38,809 o 50.23 porsiyento ay mga babae habang 38,439 naman o 49.76 porsiyento ay mga lalaki.

Sa taong ito, ang mga nakapag-enrol sa Kindergarten ay nasa 5,355 habang sa Grade 1 naman ay 6,490; 6,148 sa Grade 2; 7,241 sa Grade 3; 7,243 sa Grade 4; 6,155 sa Grade 5 at 5,209 sa Grade 6 na may kabuuang 43,841 estudyante sa elementarya.

Sa junior high school, 6,013 estudyante ang nakapag-enrol sa Grade 7; 6,256 sa Grade 8; 5,481 sa Grade 9 at 5,927 naman sa Grade 10 na may kabuuang 23,676 estudyante.

Sa senior high school ay nakapag-enrol sa Grade 11 ang 5,845 estudyante habang 3,566 naman sa Grade 12 na may kabuuang 9,411 estudyante at 320 estudyante naman ang mga nakapag-enrol sa SPED.

Dahil na rin sa nararanasang pandemya sa bansa na dulot ng COVID-19 ay magpapatuloy ang blended learning gamit ang modules at online classes.

Samantala, dahil sa mas mababang bilang ng nagpa-enrol kumpara noong nakaraang taon ay nagdesisyon ang Department of Education (DepEd) ang pagpapalawig ng enrolment ng hanggang katapusan ng buwan kasalukuyan (Setyembre 30) upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapag-enrol ngayong school year 2021-2022.

“Today, we are opening the School Year 2021-2022 as we celebrate last year’s victory. The challenges we are facing now are even tougher than those we battled last year. Nonetheless, 24,603,822 million learners have returned to schools and we expect even more to enlist for late enrollment,” ani DepEd Sec. Leonor Briones. MARIVIC FERNANDEZ

183 thoughts on “BILANG NG ENROLLEES BUMABA”

Comments are closed.