BILANG NG FLIGHTS SA NAIA ITINAAS

TUMAAS ang bilang ng flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula 250,000 hanggang 280,000 nitong nakalipas na taon.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, resulta ito ng inisyatibo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), bilang pagsuporta sa pinaka-importanteng proyekto ng pamahalaan sa taong ito.

Ani Bautista ang inaasahan increase ng aircraft movement per hour ay mula 40 hanggang 48 movements upang masuportahan ang pagtaas ng volume ng mga pasahero at flights sa NAIA.

Aniya, ang CAAP ang siyang nagbigay ng pinaka-importanteng kontribusyon upang ma-improved ang per hour air movements ng mga paliparan.

Sa pamamagitan ng direktiba ni CAAP Chief Manuel Tamayo na maging proactive ang kanyang mga tauhan bilang paghahanda sa gaganapin pagtitipon kung saan nakatakdang magho-host ang Pilipinas sa Directors General Aviation for the Asia Pacific and Pacific Regions sa taong ito.

Tinatayang aabot sa 400 international delegates ang inaasahan dadalo sa naturang pagtitipon kasama na rito ang delegado ng America, China at Singapore. FROILAN MORALLOS