(Bilang ng gumaling COVID-19 tumaas) 4 QUARANTINE FACILITIES SA PASAY LUMUWAG NA

Malugod na iniha­yag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na unti-unti ng nako-kontrol ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa dami na rin ng naitalang nakarekober sa apat na quarantine facilities sa lungsod.

Ayon kay Calixto-Rubiano, ang mga quarantine facilities sa lungsod na kinabibila­ngan ng Pasay City Sport Complex (PCSC) na may 60 bed capacity; P. Burgos Elementary School (PBES) na may 44; Mall of Asia (MOA) quarantine facility na may 132 at ang Folk Arts Theater (FAT) na mayroong kapasidad na 97 kama ay puro may mga bakante ng kama.

Sa nakarating na report kay Calixto-Rubiano kahapon, ang PCSC ay may bakanteng kama na at sa FAT naman ay mayroong 5 bakanteng kama sa kasalukuyan.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang pagkakabakante ng kama sa apat na quarantine facilities at dahil sa paggaling ng mga pasyente mula rito ay patunay lamang na unti-unti nang nakokontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi pa ni Calixto-Rubiano na ang banayad ngunit epektibong pamamaraan sa pagsugpo ng COVID-19 ay ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng rigid contact tracing, RT-PCR testing, isolation, treatment at pagdedeklara ng loca­lized community quarantine (LCQ) sa mga barangay na may tatlo o higit pang kaso ng COVID-19.

Base sa huling datos na isinagawa ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) nitong Marso 30, mayroong 728 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 121 dito ay mga bagong kaso.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus sa lungsod na umabot na sa 11,404 kung saan 173 pasyente ang mga bagong nakarekober na sa kabuuang 10,393 na mga gumaling na habang 283 naman ang sumakabilang buhay na dulot ng pagkakahawa sa CO­VID-19. MARIVIC FERNANDEZ

7 thoughts on “(Bilang ng gumaling COVID-19 tumaas) 4 QUARANTINE FACILITIES SA PASAY LUMUWAG NA”

  1. 819611 132973This internet site is often a walk-through like the information you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll certainly discover it. 201518

  2. 948102 393704Register a domain, search for available domains, renew and transfer domains, and select from a wide variety of domain extensions. 51243

  3. 498309 649427Outstanding read, I just passed this onto a friend who was doing some research on that. And he truly bought me lunch since I located it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 539409

  4. 357804 457731But wanna comment on few common points, The internet site style is perfect, the content material material is genuinely good : D. 107846

Leave a Reply

Your email address will not be published.