NADAGDAGAN pa ang bilang ng hotels at resorts na pinayagan ng Boracay inter-agency task force na makapag-operate sa isla.
Sa ipinalabas na listahan ng Department of Tourism (DOT) na may petsang Nobyembre 16, 2018, mula sa 192 ay umaabot na ngayon sa 211 ang establisimiyentong may kabuuang 8,739 rooms ang binigyan ng clearance na magbukas at tumanggap ng bookings at reservations.
Nauna nang nagbabala ang DOT na maaaring makasuhan ang mga establisimiyentong hindi pa nakasusunod sa requirements ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) ngunit tumatanggap ng booking reservations at naglalagay ng online promotions.
Patuloy ang paalala ng DOT sa mga turista na magpa-book lamang sa mga hotel at resort na accredited ng ahensiya.
Comments are closed.