MAYNILA-NALAMPASAN na ng bilang ng mga gumaling ang mga nasawi sa coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa case bulletin number 34 ng Department of Health (DOH), 52 pang pasyente ang nadagdag sa nakarekober kaya sumampa na sa 487 ang nabigyan ng ikalawang buhay at napauwi na mula sa hospital confinement.
Mas mataas ito ng 100 sa 387 na nasawi makaraang madagdag ang 25 new deaths.
Samantala, 218 naman ang nadagdag sa mga kumpirmadong tinamaan ng coronavirus kaya sumampa na ang bilang nila sa 5,878.
Dahil naman sa patuloy na pagdagsa ng testing kit, inaasahan na madaragdagan ang bilang ng kaso ng coronavirus subalit inaasahang mapaggaling ang mga ito dahil maagapan ang pagkakahawa dahil agad silang isasailalim sa isolation na madali naman dahil dumarami na ang health facilities.
Bukod sa mga mass quaratine facilities, nadaragdan na rin ang mga health facilities na isinasailalim sa pagsisiyasat para sa accreditation. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.