MAHIGIT 36 milyon na ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa ulat hanggang Miyerkoles ng umaga, Oktubre 7 ay umaabot na sa 36,029,657 ang COVID-19 cases sa mundo.
Naitala ang mahigit 308,000 na bagong kaso sa magdamag sa pangunguna ng Estados Unidos na may mahigit na 40, 000 dagdag na kaso.
Habang sa India ay na dagdagan ng 72,800 ang bagong kaso at sa Brazil ay nakapagtala naman ng dagdag na 30,000 na mga bagong kaso.
Nangunguna pa rin ang Amerika sa may pinakamaraming COVID-19 cases na 7,719,402,
India – 6,754,179, Brazil – 4,970,953, Russia – 1,237,504, Colombia – 869,808, Spain – 865,631, Peru – 832,929, Argentina – 824,468, Mexico – 789,780, at South Africa – 683,242
Nitong Oktubre 1 ay pumapang-20 ang Filipinas sa ranking ng may pinakamaraming kaso NG COVID-19 sa mundo makaraang makapagtala ng mahigit 300,00 cases sa kabila ng pagsasailalim sa 200 araw na lockdown, ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center.
Comments are closed.