PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga batang tinamaan ng tigdas.
Sa talaan ng San Lazaro Hospital sa Maynila, umabot na sa 1,249 ang kaso ng tigdas para lamang sa buwan ng Enero na kung saan 47 sa mga ito ay may edad tatlong taon pababa.
Ayon kay San Lanzaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand De Guzman, tumaas ang bilang ng mga batang may tigdas dahil sa takot ng ilang mga magulang na bigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.
Tiniyak ni de Guzman na ligtas sa mga bata ang mga bakuna laban sa tigdas na available sa mga health center sa bansa.
Gayunpaman, aniya, apat na sa kanilang mga pasyente ang namatay dahil sa kumplikasyon ng pneumonia.
Comments are closed.