(Bilang ng mga bansot mababawasan) DOST-FNRI KOKONTRAHIN ANG MALNUTRISYON

MALNUTRISYON

PURSIGIDO ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) sa pagpapalakas ng mga programa para labanan ang dumaraming bansot na kabataan at paglawak ng malnutrition sa bansa.

Sa ginanap na Tech Media Conference sa Quezon City kaalinsabay ng Nutrition Month ngayong Hulyo, ipinakita ni DOST Secretary Fortunato dela Peña, ang mga hakbangin ng kagawaran para tugunan ang problema gaya ng pag-invest sa paggawa ng mga pagkaing may iron-fortified rice kung saan nasa P4.8 bilyon ang halaga na kailangan para tugunan ang undernutrition.

PROGRAMA ISINAGAWA NG DOST PARA SA TAMANG NUTRIENTS NG KABATAAN

Batay sa UNICEF Report: nasa mahigit 29,000 kabataang Pinoy ang namamatay na nasa edad 5 pababa kada taon kung kaya gumawa ng mga programa ang DOST-FNRI katulad ng mga interventions ng kagawaran sa mga pagkaing madalas na binibili ng mga kabataan upang masiguro na nagtataglay ng mahahalagang nutrients upang maiwasan ang malnutrisyon.

Napag-alamang katuwang ng ahensiya ang iba’t ibang pribadong kompanya sa pagbuo ng pagkain para sa kabataan gaya ng veggie bread, can-ton noodles na gawa sa kalabasa, ready-to-drink green mango, juice w/ nata na para sa Vitamin A deficiency (VAD); brown rice bar, stabilized brown rice para sa Thiamine deficiency; low-fat-low-sugar ice cream at iba pa.

Ayon pa sa DOST chief, base naman sa 2018 Expanded National Nutrition Survey ng FNRI, dalawa ang kasalukuyang kinakaharap na problema ng kabataang Pinoy na nasa edad 5 pababa, gaya ng under nutrition at overnutrition na mayroong micro nutrient deficiency at non-communicable diseases na dapat tugunan ng pamahalaan.

Sa naturang report, dalawa sa kada sampung mga bata ay kulang sa timbang, tatlo sa sampung bata ay stunned o maliliit, at sa dalawampu’t limang bata ay sobra sa timbang.

Bunsod nito, iginiit ni Dela Peña na lalong paiigtingin ang kanilang Nutrition Intervention Stra­tegy – Package for the Improvement of Nutrition Young Children o DOST PINOY.

Kabilang dito ang partnership ng ahensiya sa non-government organizations, local government units at pribadong institusyon para malunasan ang malnutrisyon.

SOLUSYON SA MALNUTRISYON

Ilan pa sa inilahad na S&T solutions ay ang pagtatayo ng Complementary Food Processing Facilities, pag-develop ng FNRI complimentary food kung saan naumpisahan na ang partnership sa technology adoptor na Negrense volunteers for Change Foundation; Isulan, Sultan Kudarat University at Brooke’s Point Palawan LGU.

Comments are closed.