BILANG NG MGA FULLY-VAXXED SA COVID-19, 58.79-M NA 

bakuna

UMAABOT na sa 58,793,555 ang bilang ng  fully -vaccinated individuals  sa Pilipinas laban sa CO­VID-19.

Base pa sa National COVID-19 Vaccination Dashboard hanggang Enero 30 ay 60,341,424 na ang nakatanggap ng first dose habang 7,335,559 naman ang booster dose.

Bunsod nito, 126,470,538 na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine dose na na-administer sa bansa.

Samantala, sa datos hanggang Enero 28, sinabi ni Presidential spokesperson Karlo Nograles na 12.74 milyong indibidwal sa 12 hanggang 17 na age group, 7.5 milyon o 59 porsiyento na ang fully vaccinated.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang maprotektahan kontra sa nakahahawang sakit. RIZA ZUNIGA