BILANG NG MGA IPINANGANAK NOONG 2023 BUMABA – PSA

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga registered live birth noong 2023.

Sa tala ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA), mayroong 1, 448,522 registered live births noong 2023, mas mababa ng .5% kum­para sa 1,455,393 noong 2022.

Batay sa datos, may average na 3,969 sanggol ang ipinanganak araw-araw noong nakaraang taon, bahagyang mas mababa kaysa sa average na 3,987 na sanggol na ipinanganak araw-araw noong 2022.

57.5% ng mga ito ay  nagmula sa Luzon at pinakamarami sa Calabarzon, sinundan ng National Capital Region.

Samantala, lumabas din sa ulat na karamihan sa mga ipinanganak na sanggol ay mula sa mga magulang na hindi kasal.

DWIZ 882