NAGBABALA ang mga opisyal ng lungsod Quezon laban sa dumadami na namang kaso ng Covd-19 na may naitala na ngayong 186 na kaso sa siyudad.
Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte,hinihikayat nito ang mga mamamayan ng lungsod na maging “vigilant” at maging maingat.”Implement precautionary measures such as wearing of masks in public and staying indoors when we are we experiencing symptoms,”sabi ni “There are basic precautionary measures that we had been doing for the past years.It is important that we continue implementing this for our safety especially now that the cases are rising,” sabi ni Belmonte.
Sa ngayon, ang lungsod ay nakapagtala na ng tumataas na bilang ng Covid 19 sa loob lamang ng mga nakaraang linggo na umabot na sa 186 na kaso sa lungsod.
Itinaas na sa red alert status ng siyudad ang kanilang Covid 19 alert warning system dahil sa napansin nilang pag- angat ng bilang ng Covid sa loob ng ilang linggo lamang.
“The daily average cases for the past week of December 4 -7 is 27 cases which is 57 percent higher compared to the previous weekly average ang positivity rate based on test conducted is 14.55 percent,”sabi ni Quezon City Epidemiology Surveilance Unit (QCESU) Chief Dr.Roland Cruz.
Ipinagpalagay ni Cruz.na may kinalaman sa mga get together, parties.kasiyahan o pagdami ng mga tao sa lansangan ngayong Christmas season at mas malamig na klima at mas relax na Covid restrictions tulad ng hindi pagsusuot ng face mask, ang posibleng dahilan ng pagtaas ng mga kaso sa lungsod.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA