INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 8,772 ang bilang ng mga naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala pa ang DOH ng 284 pang bagong kaso ng COVID- 19 hanggang 4pm nitong Biyernes, Mayo 1.
Maging ang mga nakakarekober mula sa virus ay patuloy rin namang tumataas ang bilang.
Nabatid na may naitala rin ang DOH ng 41 pang pasyente ang nakarekober mula sa COVID-19.
Sa ngayon ay umakyat na sa kabuuang 1,084 ang bilang ng mga gumaling mula sa virus sa bansa.
Habang may 11 pang naiulat na nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon ay umabot na sa 579 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ