BILANG NG MGA PASAHERO SA NAIA TUMAAS

INAASAHAN  ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagsirit ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa linggong ito, matapos ang selebrasyon ng Holiday season

Ayon kay MIAA Public Affairs Office Connie Bungag, nagsimula na kahapon ng umaga ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa apat na terminal ng NAIA, at aniya tinatayang aabot sa 120,000 hanggang 130 000 ang average ng arriving passengers at outbound passengers kada araw.

Kahapon ay halos mapuno ang departure area ng mga paliparan kasama na rito ang inbound at outbound passengers.

Magkakasunod din dumating kahapon ng umaga ang dalawang Philippine Airlines (PAL) flight galing Dammam at Dubai.

Tiniyak naman ni Bungag na handa ang kanilang mga tauhan na matugunan ang seguridad ng papaalis at paparating na mga pasahero.
FROI MORALLOS