PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.
Batay sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 9,036 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na mga pulis matapos na madagdagan ng 22 na bagong kaso.
Walong pulis ang mula sa National Operations Support Unit, apat mula sa Eastern Visayas, habang tig – dalawa naman ang naitala sa National Administrative Support Unit, NCRPO, Davao Region, Cordillera at Bangsamoro Autonomous Region.
Nasa 352 naman ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng PNP o iyong nagpapagaling pa sa sakit habang 31 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 8,657 ang kabuuang bilang ng kanilang recoveries.
Nananatili sa 27 ang bilang ng mga nasawi.
Comments are closed.