BILANG NG MGA SUGATAN SA PAPUTOK BUMABA NG 85%

Francisco Duque III

BUMABA ng 85 porsiyento ang bilang ng mga nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa Taong 2021.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), sa kabila nang mahigpit na kampanya laban sa paputok ng pamahalaan ay may naiulat pa ring 50  fireworks-related injuries (FWRI) mula Disyembre 21, 2020 hanggang Enero 1, 2021.

Sa naturang bilang, 49 ay fireworks-related injury habang isa naman ang natamaan ng ligaw na bala at wala naman naitalang nasawi.

Ang naturang bilang ay 15 porsiyento na mas mababa kumpara sa 340 kabuuang kaso na naitala noong nakalipas  na ta-on.

Sa naitalang kaso sa buong bansa, pinakamataas sa National Capital Region (NCR)  na may 22  kaso, sinundan ng Re-gion IV-A na may 5 kaso at a I, V, at VI na may tig-apat na kaso.

Sa NCR, naitala ang pinakamaraming nasugatan sa Maynila, na umabot sa 12, sinundan ng Caloocan na may apat na kaso, Pasig at Quezon City may tigdalawang kaso, at Malabon at  Marikina, na may tig-isang kaso.

Sa pangkalahatan naman, naitala pa rin sa NCR ang 88 porsiyento na pagbaba sa bilang ng mga nasugatan kumpara noong nakalipas na taon.

Ayon sa DOH, ang pagbaba ng bilang ng mga nasugatan ay dahil sa epekto ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  at sa maigting na kampanya ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabawal sa mga firecrackers sa pamamagitan ng Iwas paputok campaign.

“The lower numbers we achieved this year is a welcome development, but we will not stop until we achieve zero fire-work related injuries and ensure that the next holidays will be safer for every Filipino,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“We have also observed that there was a change of behavior of Filipinos towards health,” aniya pa.

“Due to the pandemic, the Filipinos became more aware and involved in ensuring health and safety of their family and community. This decrease is also the success of all the families who follow the government’s prescribed protocols and instill good values to their children. We shall continue to create healthier and safer communities,” dagdag pa ni  Duque.

Pinaalalahanan rin naman ng kalihim ang mga nasugatan sa paputok na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility para sa tamang pamamaraan ng paggamot sa sugat. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.