MAYNILA-LUMAKI pa ang bilang ng mga naisasalbang pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang ospital habang numipis naman ang bilang ng nasawi.
Batay sa case bulletin number 25 ng Department of Health (DOH), 12 pang pasyente ang nadagdag sa nakarekober kaya sumampa na sa 96 ang nabigyan ng ikalawang buhay at napauwi na mula sa hospital confinement.
Sa anunsiyo rin ni Dr. Beverly Ho, special assistant to Health Secretary Francisco Duque III, 106 ang bagong kaso ng COVID-19 kaya may kabuuan nang bilang na 3,870 ang kumpirmadong nahawaan ng nasabing sakit.
Samantala, halos triple ang ibinawas sa bilang ng nasawi sa coronavirus.
Mula sa 14 pasyenteng nasawi noong Abril 7, naitala ng DOH na lima ang bigong naisalba na ngayon ay may kabuuang 182.
Puspusan pa rin ang pagsasaayos sa maraming health facilities para sa massive testing.
Inaasahang kapag marami na ang sumailalim sa testing ay mapipigilan ang pagdami ng kaso at kamatayan dahil maibubukod na ang mga positibo para pagalingin. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.