MAYNILA-APATNAPU’T DALAWANG pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadagdag sa mga gumaling, ayon sa Departmen of Health (DOH), kaya’t umaabot na sa 242 ang kabuuang bilang ng mga recoveries kabilang sa mga ito ay yaong pawang na-confine lang umano sa pagamutan.
Umaabot naman sa halos 5,000 ang bilang ng mga pasyenteng kumpirmadong may coronavirus.
Batay sa case bulletin ng DOH, hanggang 4:00 ng hapon ng Abril 13, ay nakapagtala pa sila ng panibagong 284 bagong kaso ng sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mula sa dating 4,648 na naitala nitong Linggo, Abril 12, ay umaabot na ngayon sa 4,932 ang confirmed COVID-19 cases, o may patient ID # na PH4,649-PH4,932.
Maaari rin naman aniyang may mga gumaling na pasyente na nasa bahay lamang o may mga mild symptoms lamang, at hindi na nila ito naitatala pa.
Samantala, nadagdagan rin ng 18 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa sakit, sanhi upang umabot na sa 315 ang death toll ng COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.