BILANG NG OFW NA TINAMAAN NG COVID-19 SA SINGAPORE TUMAAS

SINGAPORE

CHANGI-DALAWA pang Filipino worker ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 case sa Singapore.

Sa record ng Singapore Ministry of Health, umabot na sa siyam na Pinoy ang kasama sa 211 COVID-19 cases sa nasabing bansa.

Kinilala lamang ang dalawang Pinoy na sina Cases 205 at 211.

Si Case 205 ay isang 30-anyos na babae na Fi­lipino at Visit Pass holder at naka-confine sa National Centre for Infectious Diseases (NCID).

Si Case 211 ay isang 35-anyos na una nang na-detect na positibo sa COVID-19.

Ang unang pitong Pinoy na positive sa COVID-19 ay naka-confine din sa NCID. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.