BILANG NG PINOY ABROAD COVID-19 INFECTED 9,407 NA

DFA

PASAY CITY- MAKARAANG madagdagan ng 15 ang bilang ng mga Pinoy abroad o mga Filipino na nakabase sa iba’t ibang bansa na dinapuan ng COVID-19, sumampa na sa mahigit 9,000 ang kaso ng naturang sakit.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang bilang ay nagmula sa Asia, Pacific at Europa.

Sinabi ng DFA, umakyat na sa 9,407 ang total cases sa mga Pinoy sa abroad.

Umaabot naman sa 3,279 ang sumasailalim sa gamutan.

Mayroon ring 666 ang mga nasawi na mga overseas Pinoy workers. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.