INAMIN ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila maaaring limitahan ang bilang ng mga kandidato sa pagkapangulo batay sa kanilang pagkakataong manalo.
Ayon sa COMELEC, ang isang kandidato ay dapat lamang magpakita ng lehitimong layunin at kakayahan na tumakbo para sa isang pampublikong posisyon.
Sa ilalim ng Saligang Batas, lahat ay may karapatang tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Sa ngayon, mayroong siyam na kandidato sa pagkapangulo para sa halalan sa Mayo kung saan ito na ang pinakamarami mula noong 1998 polls. DWIZ882