BILANG NG PUIs NADAGDAGAN PA

PUI

TUMAAS  pa ang bilang ng ‘persons under investigation’ (PUI) sa bansa.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang Pebrero 16, nasa 498 PUIs ang posibleng apektado ng Co­ronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 159 PUIs ang nananatili pa rin sa ospital habang 336 naman ang na-discharge na.

Pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 93 admitted PUIs at 72 ang discharged na PUIs.

Sumunod dito ang Central Luzon na may 9 admitted PUIs habang 48 naman ang discharged PUIs.

Sinabi pa ng DOH na nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Comments are closed.