(Bilang ng pulis na ipakakalat inaalam pa) 37 LUGAR IKOKONSIDERANG ELECTION HOT SPOTS

AABOT sa 37 lugar ang pinag-aaralan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na itinuring bilang election hot spots.

Gayunpaman, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla,  maingat nilang pag-aaralan ang gaga­wing hakbang.

Sa nasabing bilang, 28 ang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mayroon din mga lugar na sakop ng 3rd at 4th district ng Leyte at mayroon din sa Central Luzon.

Paglilinaw ni Remulla, ang nasabing numero ay mas maliit kumpara sa bilang ng nakalipas na mga election period.

Ang mga lugar na inilalagay sa election hotspots ay itinuturing na mataas ang kaso ng karahasan na may kaugnayan sa halalan at mayroong kategorya gaya ng yellow, orange, red at green.

Samantalala, sa pa­nig ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na inatasan na nito noong September pa ang kanyang mga regional commander na tukuyin ang mga lugar na ilalagay sa areas of election concern para sa 2025 polls.

Bukod sa areas of election concern, aalamin din ni Marbil kung ilang pulis ang idedeploy upang matiyak ang mapayapa, malinis at tapat na eleksyon sa May 2025.

EUNICE CELARIO