UMABOT na sa kabuuang 395 na mga pulis ang tinamaan ng COVID-19 sa Filipinas.
Sa monitoring ng Philippine National Police (PNP), sinasabng 395 ang kumpirmadong may COVID-19, nasa 715 naman ang itinuturing na prob-able case habang nanatili sa 804 ang suspected cases.
Sa kabilang banda, nasa kabuuang 237 pulis naman ang nakarekober na habang lima naman ang pumanaw bunsod ng nakahahawang sakit.
Sa ngayon ay nananatili sa Kiangan Billeting Center sa Camp Crame ang mga hinihinalang may COVID-19 mula sa PNP habang nananatili naman sa taekwondo quarantine facility at gymnasium quarantine facility ang mga probable case.
Comments are closed.