(Bilang paghahanda sa “The big one”) NDRRMC, OCD MAGPAPATUPAD NG ONLINE EARTHQUAKE DRILL

BILANG paghahanda sa kinatatakutang ‘the big one” o paglindol na lagpas intensity 7, nanawagan ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na makilahok sa gaganapin First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ayon kay NDRRMC Executive Director at OCD Administrator Undersecretary Ricardo Jalad, nakatakdang isagawa ang online NSED sa darating na Marso 10 sa ganap na alas-9 ng umaga.

Magsisimula ang programa ng alas-8 at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.

Kaugnay ng First Quarter NSED, gaganapin din sa darating na Marso 7 ang disaster preparedness webinar na nakatuon sa kahandaan ng kakabaihan, kabataan, mag-aaral at senior citizens.

Patuloy din ang panawagan sa publiko na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at aktibidad na layuning paigtingin ang kahandaan ng bawat indibidwal at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib.

Ito ang ika-pitong online NSED na isasagawa ng NDRRMC mula noong 2020. VERLIN RUIZ