COMMUNICATIONS PROGRAM NG MERALCO, NAGNINGNING SA 20TH PHILIPPINE QUILL AWARDS. Nag-uwi ang Meralco ng 28 Excellence and Merit trophies, at ginawaran ng Company of the Year first runner up para sa mga programa nitong nakatuon sa pampublikong serbisyo, systainability at innovation.
MULING nagpamalas ang Manila Electric Company (Meralco) sa pangunguna ng Chairman at Chief Executive Officer nito na si Manuel V. Pangilinan, ng natatanging husay at kaalaman sa larangan ng komunikasyon matapos nitong humakot ng iba’t-ibang parangal mula sa dalawang prestihiyosong organisasyon na kumikilala sa galing ng mga propesyunal sa industriya ng komunikasyon.
Nakamit ng Meralco ang pinakamaraming parangal sa katatapos lamang na ika-20 Philippine Quill Awards matapos ito mag-uwi ng 28 na Excellence at Merit awards para sa mga programa nitong nakatuon sa sustainability, corporate social responsibility, innovation at pampublikong serbisyo.
Itinanghal rin ang kumpanya na First Runner Up para sa kategoryang “Company of the Year” ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines.
Bilang karagdagang patunay sa galing nito sa larangan ng komunikasyon, nag-uwi din ang Meralco ng tatlong Anvil—dalawang gold at isang silver—sa ika-59 Anvil Awards para sa napapanahon at mahusay na mga programang pang-komunikasyon nito na nakatuon sa mga paggamit ng social media, management ng isyu at reputasyon, at pampublikon polisiya.
Ang Philippine Quill Awards ay inoorganisa ng IABC Philippines at itinuturing isa sa pinakaminimithing parangal ng mga kumpanya pagdating sa larangan ng komunikasyon. Kinikilala nito ang husay at dedikasyon ng mga kumpanya at propesyunal sa pagpapatupad ng mga programang nagpapamalas ng mahusay at epektibong komunikasyon sa iba’t-ibang industriya.
Samantala, ang Anvil Awards—na kilala din bilang “Oscars of Philippine Public Relations”—ay ang taunang patimpalak ng PRSP para sa pagkilala sa mga bukod-tanging programa, kampanya at instrumento sa public relations.
MGA NATATANGING PROGRAMA
Ilan sa mga kampanyang pang komunikasyon ng Meralco na nanalo ng Excellence Award sa Quill ay nakatuon sa pangangailangan ng customer, tulad ng Meralco’s Always On Content in the New Normal, Meralco Storm Watch, Safeguarding the Stability of the Power Grid through Power Supply and Energy Management Education, at The New Meralco Bill: Giving More Power to the Customers We Serve. Ang mga maagap at napapanahong information campaign ng Meralco ay naglalayong tumugon sa mga pangangailangan ng mga stakeholders at nagsisilbing patunay na ang kanilang serbisyo ay naglalayong isulong ang magandang serbisyo para sa mga customer.
Bukod sa distribusyon at pag-generate ng kuryente, saklaw din ng sustainability commitment ng Meralco ang pagsusulong ng diversity at inclusion sa pamamagitan ng #Mbrace. Kumakatawan sa tagumpay ng programang ito ang Meralco Advances Diversity and Inclusion through #Mbrace na ginawaran ng Excellence Award. Nanguna ang Meralco sa pagsasanay at pagtanggap ng mga babaeng line crew sa Timog Silangang Asya noong 2013. Sa ngayon, nangunguna pa rin ang Meralco sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa industriya ng enerhiya.
Para naman sa kampanya nitong Liwanag sa Dilim: Amplifying the Heroism of Meralco Typhoon Odette Restoration Contingent, binigyang diin ng Meralco ang kahalagahan ng bayanihan at pagmamalasakit nang magpadala ito ng 150 linecrew at mga engineer upang tumulong ibalik ang serbisyo ng kuryente sa Cebu at Bohol matapos nitong hagupitin ng bagyo noong 2022.
Nagkamit din ng Excellence Award ang Meralco para sa kampanya nito para sa The 10th Philippine Electric Vehicle Summit 2022, kung saan tinalakay ng kumpanya ang pag-unlad ng nasabing industriya. Ang pagpupulong ng mga eksperto ay pinangunahan ng Meralco katuwang ang Electric Vehicle Association of the Philippines, Department of Energy, at Nissan Philippines Inc.
Humakot din ng mga parangal ang One Meralco Foundation (OMF), ang sangay ng Meralco na nangangasiwa sa mga programang pang-komunidad para sa mga programang nakatuon sa pagbabahagi ng liwanag sa mga nangangailangang komunidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa pamamagitan ng Light Up Pilipinas, binigyang diin ng OMF ang ginhawang dulot ng hatid nitong liwanag sa pamamagitan ng solar lamp donation program sa higit 6,000 pamilya sa mga lalawigan ng Rizal, Cebu, Antique, Bulacan, Cagayan, Aurora, Laguna, Zambales, Ilocos Norte, at Catanduanes.
Ipinakita naman ng OMF ang malasakit nito sa kalikasan sa programang One for Trees: Empowering People and Communities to Nurture Our Forests kung saan pinagkakalooban ng kabuhayan ang mga benepisyaryong itinatalagang tagapangasiwa ng mga punong itinanim. Noong 2022, nakapagpalago ng mahigit sa dalawang milyong puno ang OMF sa ilalim ng One For Trees program.
Sa pamamagitan ng kampanyang Electrification for Development: Improving the lives of last-mile Filipinos, ipinamalas ng OMF ang dedikasyon nito sa pagtulong na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga nangangailangang Pilipino.
Ginawaran din ng Excellence Award ang The Gift that Keeps on Giving: Meralco’s Spectrum on Solar Rooftop Installations, kung saan tinalakay ng Meralco ang benepisyo ng pamumuhunan sa renewable energy, lalo na sa solar, sa paglahad ng kuwento ng kilalang environmental advocate na si Illac Diaz.
Ang 2021 Corporate Annual Reports na “Bayanihan,” “Kalinga,” and “Malasakit” ay ginawaran din ng Excellence Award dahil sa mahusay na paglalarawan nito ng mga iniingatang katangian ng kumpanya.
Para naman sa Anvil Awards, nagkamit ang Meralco ng Gold Anvil para sa kampanya nitong Turning Crisis Into An Opportunity: Meralco’s Efficient And Quick Communications Response To The Manage NAIA’s Power Outages kung saan ipinakita nito ang mahusay at maagap na komunikasyon nito upang matugunan ang negatibong sentimyento dahil sa insidente ng kawalan ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala naman ang #BuildingABrilliantFuture with Meralco: Facebook as a Social Media Recruitment Marketing Tool ng Gold Anvil para sa epektibong paggamit nito ng social media upang makahikayat pa ng mas maraming aplikante.
Samantala, ginawaran ng PRSP ang Meralco ng Silver Anvil for Paving the Way for a Sustainable Energy Future: Meralco’s Strategic Communications Program for the 2023 Giga Summit na nagsalaysay ng kahalagahan ng mga pampublikong talakayan at konsultasyon upang makamit ang isang sustainable energy future.
Patuloy ang pagsusumikap ng Meralco na maghatid hindi lamang ng liwanag kundi pati na rin matapat at napapanahong impormasyon para sa mas malinaw na kinabukasan.