(Bilang pagtugon sa 60-day road clearing) NAKAHAMBALANG NA MGA BAHAY SA KALSADA GIGIBAIN

Road clearing

MAGUINDANAO – UPANG matiyak na makatutugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 60-day ultimatum road clearing, binigyan na rin ng palugit ang lokal na pamahalaan ng Datu Montawal, sa mga nakahambalang na mga bahay, tindahan at iba pa sa national highway.

Ayon kay Datu Montawal Ma­yor Datu Otho Montawal, pinakiusapan nila ang mga nagmamay-ari nito na gibain na.

Pagdating ng taning ng LGU at hindi pa rin ito giniba, mismong si Mayor Montawal na ang mangu­nguna sa demolition.

Lahat kukunin ng LGU at walang ititira sa mga nagmamay-ari ng bahay at tindahan na nakahambalang sa kalsada.

Sa pahayag ni Mayor Montawal, “kagaya ng war on drugs wala tayong sasantuhin, lahat ipatutupad at ‘yong haharang sa kautusan ng Presidente rito sa bayan ng Datu Montawal siguradong may kalalagyan.”

Sa ngayon ay naghahanda na ang LGU-Datu Montawal sa malawakang road clearing operation katuwang ang mga opisyal ng barangay, DPWH, pulisya at militar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.