(Bilang PNP Number 2 in command) PERALTA PUMALIT KAY SERMONIA

MAKARAAN ang isang linggo, may pumuno na sa puwestong binakante ng nagretirong si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia bilang Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa katauhan ni Lt. Gen Emmanuel Peralta, ang kasalukuyang The Chief Directorial Staff o pang-apat sa top brass ng PNP.

Unang itinalaga si Lt. Gen. John Michael Dubria, ang The Deputy Chief for Operations o Number 3 Man nang magretiro si Sermonia noong January 26 makaraang maabot ang edad 56 subalit binawi rin ito at hindi nagtagal ng 24 oras.

Si Peralta ay mistah o classmate ni PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.

Papalit naman sa puwesto ni Peralta si PLTGen. Jon Arnaldo mula sa Area Police Command ng Northern Luzon.

Nilinaw naman ni Acorda na ang pagtatalaga kay Peralta ay Presidential appointee.

“Pagdating sa DCA and DCO, these are presidential appointees so, what will happen they are in acting capacity but still I will be submitting these names to the President for their Presidential appointment,” ayon kay Acorda.

Nilinaw naman ng PNP na ang pagpili ay walang kinakalaman sa affilation nito.
EUNICE CELARIO