BILIHIN NA MAY SRP DUMAMI

DINAGDAGAN pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga produktong sakop ng suggested retail price (SRP) sa layuning maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Layunin nito na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin sa mga ordinar­yong mamamayan.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na mula sa 145 items ay umaabot sa 209 items ang covered ng SRP.

Kasama na sa listahan ang luncheon meat, meat loaf, corned beef, suka, toyo, patis, sabon, kandila, baterya, bottled water, sardinas, powdered milk, gatas at kape.

Aminado ang opisyal na nagsamantala ang ilang mga negosyante sa pagpapatupad ng Train Law kaya tumaas ang halaga ng ilang food products.

Base sa pag-aaral ng DTI, mula dalawa hanggang walong porsiyento lang ang ginawang pagtaas sa presyo ng mga manufacturer ng ilang mga produkto pero nadoble ito pagdating sa ilang mga tindahan.

Nangako rin si Lopez na mas maraming mga tindahan ang kanilang imo-monitor para matiyak na hindi sisirit ang presyo ng ilang mga produkto.

Comments are closed.