Congrats sa lahat ng atletang Filipino na sumabak sa Paris Olympics, mula kay double gold winner Caloy Yulo hanggang sa atletang pinoy na hindi sinwerte. Dapat kilalanin at suportahan silang lahat dahil ginawa nila ang lahat para sa bayan. Sa isang daang taong pagsali ng Pilipinas sa olympics ay tatlo na ang gintong medalyang napanalunan (isa mula kay Heidilyn Diaz at dalawa kay Caloy Yulo).
Pero alam nyo ba na may nauna na tayong gintong medalya sa bowling naipinanalo ni Arianne Cendeña? Yun nga lang, not counted sa medal tally dahil demonstration sports lang ang bowling.
Ang dami rin world class billiards players na Pinoy. Sa larong ito pwedeng tapatan ng mga pinoy ang world team ng billiards. Pero dahil walang billiards sa Olympics, wala ring medalya.
Sa totoo lang kung kasama ang bowling at billiards sa Olympics kayang i-dominate ng Pilipinas yan!
Bakit nga ba wala?
Matagal nang nilalakad ng mga international billiards at bowling associations na isama ang dalawang sports na ito sa Olympics.
Billiards daw did not comply with the definition of sports ayon sa International Olympics Committee. Ang bowling naman, wala raw appeal sa younger demograhics.
Baka politika sa loob ang tunay na dahilan. Yung Olympics powerhouse nations na walang panlaban ang humaharang.
Pero sa Paris olympics, isinama ang ang breaking o breakdancing. Sinama rin ang skateboarding, sports climbing at surfing na mga non-traditional sports. Kung sinama ang mga “larong ito” bakit hindi ang bowling at billiards na “centuries old sports” na?
Sakaling makasama ang billiards at bowling sa next Olympics, hindi lang naman ang Pilipinas ang malakas — pero mahihirapan sila sa Pinoy. Sana dalawang alamat natin pa lang natin na sina Paeng Nepomuceno ng bowling at Efren “Bata” Reyes ng billiards, manginginig na sila.
ARIEL INTON