BILLIARDS ‘OUT’ SA SEA GAMES

BAKAS sa mukha ni Chezka Centeno ang lungkot dahil hindi siya makatutulong sa medal campaign ng Filipinas makaraang alisin ng host Indonesia ang billiards sa Asian Games na lalarga sa Agosto sa Jakarta at Palembang.

“Ako’y nalulungkot dahil hindi kasama ang billiards sa Asian Games at hindi kami makatutulong sa medal campaign,” pailing na sinabi ni Centeno.

Inalis ang billiards dahil malabong manalo ang mga Indonesian na laging tinatalo ng  mga Pinoy sa mga international competition, ang pinakahuli ay sa 29th Southeast Asian Games sa Malaysia na pi­nagharian nina Centeno at Carlo Biado at Rubilyn Amit na nakuha ang pilak.

Dinomina rin nina Amit at Warren Kiamco ang billiards sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Matapos ang matagumpay  na kampanya sa Malaysia, na­nalo rin si Biado sa World Billiards at itinanghal na PSA Athlete of the Year, kasama sina world boxing champion Jerwin Ancajas at World Cup of Bowling queen Lyn Krizzhia Tabora.

“Kung hindi inalis ang billiards, malamang makapag-uwi kami ng karangalan dahil ang mga Pinoy ay kilala bilang medal achiever,” wika ni Centeno.

Dahil hindi kasama ang billiards sa Asian Games, sinabi ni Centeno na itutuon na lamang niya ang kanyang pansin sa ibang international competitions, sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumu­nuan ni Chairman William Ramirez.

Sa kaugnay na  bali­ta, sinabi ni Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) secretary general Robert Mananquil na palalakasin nila ang grassroots programs para makatuklas na mga batang may potensiyal na katawanin ang bansa sa mga darating na international competitions.

“The main thrust of the association headed by Atty. Ramon Malinao is to strengthen the foundation of billiards and widen the scope of its program ostensibly flush out fresh talents,” sabi ni Mananquil.

“Billiards needs young fresh talents in the calibers of Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Dennis Orcollo, Carlo Biado, Rubilyn Amit and Chezka Centeno,” pahayag ni Mananquil. CLYDE MARIANO

Comments are closed.