BILLION TREE PLANTING AND GROWING PROJECT ARANGKADA SA CAGAYAN

Tree Planting

TINATAYANG mahigit sa apat na libong mamamayan ang nakiisa sa ‘’Baggao, Cagayan Billion Tree Planting and Growing Project’’ sa malawak at bulubunduking lugar ng San Francisco, Baggao, Cagayan.

Lubos namang nagpasalamat sina Mayor Joan Dunuan at Vice Mayor Rowel Gazmen at iba pang opisyal ng Baggao sa lahat ng mga nakiisa na dumalo sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Dunuan, hindi sapat na itinanim na lang nila ang mga iba’t ibang klase ng seedlings kundi ito ay magkakaroon ng regular na monitoring sa kanilang itinanim na puno upang matiyak na ma-sustain ang nasabing proyekto.

Sinabi pa ni Dunuan, kung sakali man na hindi ito tumubo at namatay sa mga itinanim na seedling, muli nilang aatasan ang mga nagtanim na muli itong tamnan.

Layunin ng nasabing proyekto na maisalba ang mga nakakalbo ng kabundukan sa bayan ng Baggao.

Sinabi naman ni Vice Mayor Gazmen na bumuo na sila ng grupo na magbabantay sa mga nasabing pananim at nakipag-ugnayan na rin sila sa mga residente sa lugar kung saan ay makakatuwang nila sa pagbabantay.

Kaugnay nito, sinabi ni Gazmen na plano nilang magkaroon ng memorandum of agreement sa Department of Environment and Natural Resources para sa tuloy-tuloy na tree planting sa kanilang bayan. IRENE GONZALES

Comments are closed.