‘BILLIONAIRE’ ESTEROS TARGET SA MANILA BAY REHAB

KUMPIYANSA si Environment Secretary Roy A. Cimatu na maisasagawa ang rehabilitasyon sa Manila Bay kung saan ibinunyag niya ang planong targetin ang ‘billionaire’ esteros upang mapababa ang coliform level sa makasaysayang water body sa bansa.

Dating chief of staff ng  Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Cimatu na ang ‘billionaire’ esteros ay yaong esteros na ang coliform level ay umabot na sa billions most probable number per 100 milliliters (MPN/100ml)

“I accept the challenge to rehabilitate Manila Bay.  If nobody else will do it, who will do it? I am optimistic that it can be done.  I hope that all of us join us in this endeavor that wills ave Manila Bay,” ani Cimatu.

Aniya, ang short-term target ay ang ayusin ang kalidad ng tubig sa pagbawas sa coliform level sa Manila Bay sa pagtatapos ng 2019.

“The long-term target is to make the water of Manila Bay safe for bathing and swimming,” anang kalihim.

Gamit ang regular budget ng DENR para sa implementasyon ng Clean Water Act, tatrabahuhin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang targeted esteros, kabilang ang Pasig River, upang mapababa ang coliform level sa mga lugar sa Manila Bay, partikular sa kahabaan ng Bay Walk sa 100 most probable number per 100 milliliters (MPN/100ml),  ang lebel na ligtas para sa  swimming.

Ang tubig sa ilang bahagi ng Manila Bay, partikular sa harap ng Board Walk, ay umaabot sa 333 million MPN/100 ml.

Sinabi ni Cimatu na hahanap ng paraan ang  DENR para maiwasan ang direktang pagtatapon ng  untreated wastewater sa hindi bababa sa apat na esteros sa Metro Manila habang hinihintay na ayusin ng private water concessionares ng  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang Manila Water at Maynilad, ang sewer lines sa kani-kanilang lugar.

“The long-term plan is the presence of the sewer lines all over Metro Manila.  This is the mandate given to the concessionaires, Maynilad and Manila Water.  The completion of all this will be in 2037.  That is our problem,” aniya.

“Unless we can accelerate this one… we need to start really.  We should shorten this as much as possible.  We should do something.  The problem is coming from Esteros in Metro Manila.  The condition of the esteros, if I will describe it, we have two billionaires esteross,” dagdag pa niya, patungkol sa coliform level ng tubig.  JONATHAN L. MAYUGA

Comments are closed.