BILLY CRAWFORD PAMILYA MUNA BAGO LOYALTY

faceup

Malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa career at personal na buhay ni Billy Crawfold. Marami siyang TV shows sa Channel 2. May It’s Showtime, ASAP at ang huling proyekto niya ang “Your Moment.”

Pero nagkaroon ng intriga sa mga kapamilya talents na mawalan ng trabaho, nang bawiin ang prangkisa sa kumpanya ng mga Lopez. Kahit gaano ka ka-loyal sa network, may mga taong mahal mo na umaasa sa iyo. Syempre, kailangang magbayad ng utilities, bumili ng pagkain, renta sa bahay at iba pa.

Nakalipat si Billy sa TV5 dahil walang move ang career niya sa Channel 2. Aminado ang TV host/singer/composer na nuong una ay nagdalawang isip siya ang alok ng TV 5 na daily noontime show na “Laugh Out Loud” dahil halos katapat ito ng It’s Showtime ni Vice Ganda. Pero desperado raw siya dahil, di ba kakakasal  lang ni Billy at kapapanganak lang ng asawa niyang si Coleen Garcia.

“Gagawin mo naman talaga ang lahat para sa iyong pamilya,” ani Billy.

Ngayong naka-one year anniversary na ang LOL, saka lang niya ibinulgar kung ano ang dahilan ng nag-ober da bakod siya. Hindi siya exclusive talent ng ABS-CBN na may “guaranteed contract” na kahit walang teleserye o TV hosting  ay may suweldo. Masisisi mo ba si Billy kung gusto niyang mai­salba ang kanyang pamilya? Pwede ka bang maging loyal sa network kung kakapusin sa pagkain ang pamilya mo?

“Itatapon mo ang pride kung buhay ang ipinaglalabanan natin,” aniya. “Mga walang utang na loob ang mga artista na lumilipat ng network? Paano nga kung walang proyekto? Paano ang pamilya ko? Sumabay pa sa pandemic, hindi man lang makaraket. Mahirap ding mag-work na naka­suot ng face mask at face shields, bukod pa sa mga sinusunod na protocols, even swabtest.”

Kailangan talagang mabuhay para sa kanyang asawang si Coleen at baby Amari.

RICO BLANCO, MASUNURING BF

May-December affair na naman ang magkasintahang sina Rico Blanco ng Rivermaya at ng 23 anyos na si Maris Racal. Ordinaryong love story lang. Nagkita, nagkamabutihan, nagmahalan, at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Age doesn’t matter, ika nga. Nagkaunawaan hanggang sa nauwi sa pagmamahalan.

Twenty five years ang agwat ng edad ni Rico kay Maris pero wala silang keber. Pero bumata raw ang mukha ni Rico mula nang makarelasyon niya si Maris. At believe me, masunuring boyfriend daw si Rico. Ginagawa niya ang lahat para sa kanyang girlfriend. Ang dating mahabang buhok ni Rico, pinagupitan dahil gusto ni Maris. Nakitiktok pa dahil gusto rin ni Maris. Masunuring boyfriend, di ba?

3 thoughts on “BILLY CRAWFORD PAMILYA MUNA BAGO LOYALTY”

  1. 166904 604484Wow! This can be one specific with the most valuable blogs We have ever arrive across on this subject. Truly Great. Im also an expert in this topic so I can understand your hard work. 123807

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *