BILYON-BILYON NA UTANG NA ATRASO NG NPA -NTF-ELCAC

Severo Catura

UMABOT na sa bilyong piso ang mga babayaran ng New People’s Army (NPA) at maging ng mga opisyal ng Communist Party of the Philippines(CPP) na pareho nang tinuturing na mga Communist Terrorist Group(CTG), sa mga atraso at pang-aabuso nitong mga nagawa, ayon sa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkoles.

Sa pahayag ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), ipinaliwanag nito na sa ilalim na mga lokal man at internasyunal na batas, partikular na ang International Humanitarian Law (IHL), ang sinumang grupo na napatunayang nakagawa ng mga pang-aabuso at pagpapahirap sa gitna ng pakikibaka ay maaaring pagbayarin ng danyos sa kanilang mga nabiktima.

Sa ilalim kasi lamang ng Section 14 ng Republic Act No. 9851, o “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Gen-ocide and Other Crimes Against Humanity” na nilagdaan noong December 11, 2009, sinabi ni Catura na kailangang sunduin ng hukuman ang mga prinsipyo sa pagbibigay kabayaran at rehabilitasyon sa mga biktima base sa bigat ng mga nagawa ng mga salarin sa kanilang mga nabiktima.

“Subalit anumang halaga ang itatakda at ididemandang ibayad ng hukuman sa mga biktima ay hindi na maipapalit sa pair na dinanas ng mga biktima sa mga kamay ng CTG,” paliwanag ni Catura na taga-pagsalita ng task force sa larangan ng karapatang pangtao, usapang pangka-payapaan at mga international engagements.

Aniya, tama lamang na pagbayarin ang mga CTG at panagutin ang mga ito sa kanilang mga krimen gaya ng pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, paninira ng mga ari-arian ng pamahalaan at ng pribadong mga mamamayan, pagdukot at pagamit sa mga kabataan bilang kanilang mga mandirigma at kanilang pagpatay sa kanilang mga mismong kasapi at kasamahan.

“Naisumite na ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang listahan ng mga atraso ng NPA at CPP at maaari na ang mga ito ay desisyunan ng hukuman,” dagdag pa ni Catura na sinabi ring kanilang isusulong ang mga kaso sa International Committee olng Red Cross (ICRC) na laging  kaakibat ng sandatahan sa mahigpit na pagsunod sa IHL, bilang kanilang tunay na tungkulin.

“Amin din ipaalam ang mga ito sa United Nations sa pamamagitan ng kanilang UN Resident Coordinator at Senior Human Rights Adviser dito sa Pilipinas,” ang sabi pa Catura.

Dahil ang UN Office of the High Commissioner on Human Rights na raw ang nagsabi sa isang ulat nito, na napakarami nang nagawang pang-aabuso at atraso ang NPA at dapat bang pagbayarin ang mga ito sa kanilang mga kasalanan sa bayan.

Kamakailan lamang  ay naglabas ang AFP- Center on the Laws of Armed Conflict (AFP-CLOAC) na nasa 1,506 na kaso na ng mga krimen ang kanilang naitala na kagagawan ng CPP-NPA sa loob lamang ng taon na 2010 hanggang 2020.

Inihayag ni AFP-CLOAC Director, BGen. Jose Alejandro S. Nacnac, sa nasabing bilang, 532 ang nasira nitong mga ari-arian, 464 ang nadukot na mga kabataan upang gawing mga “child warrior”, at libi-libong pagpatay sa mga inosenteng sibilyan at katutubo na tumatanggi sa pagsanib sa CTG.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

6 thoughts on “BILYON-BILYON NA UTANG NA ATRASO NG NPA -NTF-ELCAC”

  1. 608273 571987Thank you for your great post! It has long been very insightful. I hope that you will continue sharing your wisdom with us. 152389

Comments are closed.