BILYONG BUWIS, HABOL NG BIR SA MANILA BAY RECLAMATION!

Erick Balane Finance Insider

GUSTONG tangkain ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng ka­ragdagang billyong-pisong buwis bilang back taxes sa mga business establishment na nakatayo sa Manila Bay reclamation area bago man lamang magtapos ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng capital gains tax sa pinasok na joint-venture agreement o memorandum of un-derstanding na nilagdaan, ilang dekada na ang nakalipas.

Sinabi ng source na lehitimo ang planong paghahabol ng BIR sa mga hindi binayarang buwis noong panahong itinayo ang mga malalaking business establishments  at iba pang naglalakihang gusali sa tinatayang mahigit na 1,500 ektaryang reclamation area sa Manila Bay.

Umano’y kuwestiyonable ang nangyaring bili­han sa noo’y karagatang Manila Bay na tinabunan ng lupa sa kung paano bina-yaran ng capital gains tax sa BIR? Kung paano naging pag-aari ng mga kilalang negosyante ang property? At kung saan ibinase ang halaga ng zonal o market valuations matapos tayuan ng mga mala-higanteng buildings o gusali?

Ang anggulong ito ay sumagi sa isip ng mga opisyal ng DOF at BIR matapos umanong madismaya si Presidente Duterte sa tinamong shortfall sa 2019 tax collections ng BIR at Bureau of Customs (BOC). Ang BIR, ayon sa datus ng DOF ay nakako­lekta lamang ng P2.17 trillion mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Disyembre noong nakalipas na taon o nabigo itong makolekta ang target tax goal na P2.33 trillion o short ng P16 bil­yon, samantalang uma­bot lamang sa P630.6 bilyon ang nakolektang buwis ng BOC na bigo ring nakuha ang target tax goal na P661 bilyon o short ng P31 bilyon noong fiscal year 2019.

Sinabi ng source na walang balak si Presidente Duterte sa isa pang mungkahing reclamation project ukol sa sinasabing construc-tion ng P100-billion worth 419 hectare commercial district at sa isa pang 140 ektarya sa port area ng Manila Bay reclamation o mag-ing ang diumano’y planong 10,500 ektaryang panibagong reclamation area.

Ayon sa source, sa sinasabing planong itayong 419 hectare-business at residential district, ang 181 ektarya rito ay ilalaan para sa gobyerno, samantalang ang matitirang 238 ektarya ay mapupunta naman bilang pag-aari ng gustong umaktong developer o ang 43.2 percent ng kikitain sa proyektong ito kung matutuloy ay para sa gobyerno, samantalang ang malaking porsiyento o 56.8 percent ay maliwanag na gustong mapunta naman bilang parte ng hahawak na developer na umano’y isang malaking kalokohan.

Sinabi pa ng source na kung matuloy ang proyektong ito, ang gustong maging bilihan sa rate ng average market value ay P200,000 o tinataya sa P362 bilyon ang revenues pabor sa gob-yerno, samantalang tinataya sa P476 bilyon ang ayudang gustong maging parte para umano sa pa­nig ng developer.

Tulad ni Pangulong Digong, tutol din sa planong ito si Manila Mayor Isko Moreno. Ayaw umano ng Chief Executive na sang-ayunan ang mungkahing panibagong reklamasyon sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Gayunman, sinabi ng source na gustong makaharap ng DOF at BIR officials ang matataas na opisyal ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na siyang nagsusulong ng balaking ito upang mabawi ng BIR ang tinatayang bilyong-pisong back taxes na posi-bleng makolekta o mabawi ng gobyerno sa naunang reklamasyong itinayo sa nakalipas na dekadang panahon.

Ang diumano’y pa-nibagong pinaplanong reklamasyon, ayon pa sa source ay gaya ng mga sumusunod:  New Manila Bay In-ternational Community (407.42 ektarya), ang kontrobersiyal na Solar City Urban Center (148 ektarya) at ang P7.4 bilyong expan-sion ng Manila Harbor Center sa Tondo, Manila.

Ang planong panibagong reklamasyong ito ay maigting na tinututulan din ng mga environmentalist at maging ng mga religous organization.

Paniwala niya, guguho at lalamunin ng baha sa panahon ng ka­lamidad ang buong ­Metro Manila sa sandaling maganap ito.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected]

Comments are closed.