CAMP PATALEON – CAVITE – UMAABOT sa bilyong halaga ng logistic equipments na kinabibilangan ng malalakas na kalibre ng baril, iba’t bang uri ng sasakyan ang ipinamahagi ng Cavite provincial government at lokal na pamahalaan ng iba’t ibang bayan at lungsod sa kapulisan sa isinagawang simpleng seremonya sa kampong ito sa Imus City noong Lunes.
Sa flag raising ceremony ng Cavite Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Director General Oscar David Albayalde bilang guest speaker, pinasalamatan nito ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng iba’t ibang bayan at lungsod sa pagsuporta sa pamunuan ng pulisya sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa dumalo at nakibahagi sa nasabing seremonya ay sina Cavite Governor Jesus Crispin Remulla, Mayor Antonio Ferrer ng General Trias City; Rep. Luis Ferrer ng 6th District; Rep. Abraham Tolentino ng 7th District; Rep. Alex Advingula ng 3rd District; Rep. Roy Loyola ng 5th District at si Mayor Lani Mercado Revilla ng Bacoor City.
Dumalo rin ang mga opisyal ng pulisya na sina Supt. Vicente Cabatingan ng Bacoor City PNP; P/Supt. Paul Bometivo ng Gen-eral Trias City PNP at si PO2 Carlo Antonio Medina na binigyan ng Medalya ng Kagalingan.
Samantala, sina Supt. Janet Arinabo ng Naic PNP; P/Chief Insp. Ernesto Caparas Jr., SPO2 Roscoe Solis, PO3 Julio Riman at si PO2 Podrigo Veloso III ay pinagkalooban ng Medalya ng Papuri.
Pinarangalan din ang mga opisyal na sina Chief Supt. Edward Carranza ng PRO4A; at P/Senior Supt. William Sagun dahil sa kanilang patuloy at walang humpay na laban sa lumalalang drug trade sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa mga logistic equipment na ipinamahagi ay iba’t ibang sasakyan.
Binigyan naman ng Plaque of Appreciation si Police Director General Oscar David Albayalde dahil sa ibinigay nitong oras na makadalo at maging Guest of Honor and Speaker at pagsuporta upang mapalakas ang loob ng pulisya sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.