BULACAN- HALOS 13-araw pa bago ang Undas, puspusan na ang mano-manong pagtatambak sa katolikong sementeryo sa Brgy, San Jose sa Calumpit sa lalawigang ito.
Ayon kay Ryzel Aguilar at James Paulo Galang nito lamang Sabado nang simulan na patambakan ni San Jose Parish church, Fr. Arnel Camacho ang naturang himlayan.
Nabatid na may sampung Elf Truck pa darating para tambakan ang mababang lugar na lubog pa rin sa tubig baha.
Nais ng simbahan na matulungan ang mga kaanak ng mga nakahimlay sa naturang libingan na may maayos na pagtitirikan ng kandila sa araw ng mga patay. THONY ARCENAL