NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs-Manila International Container Port’s (BOC-MICP) ang misdeclared shipment ng red onions na tinatayang nagkakahalagang P3 milyon.
Ayon sa BOC, ang kargamento na nagmula sa China ay nasabat noong Mayo 26.
Orihinal umano itong idineklara bilang yellow onions subalit kalaunan ay natuklasang naglalaman ng 60% red onions.
Ang kargamento ay isinailallm sa 100% physical examination na sinaksihan ng mga miyembro ng Customs Anti-illegal Drugs Taskforce (ESS-CAIDTF) ng CIIS Enforcement and Security Service, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI).
Agad na nag-isyu ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Section 1113 at Section 1401 ng RA 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS
Comments are closed.