MULING hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na magbayad nang tamang buwis sa tamang oras.
Sa kanyang pagdalo sa Regional Tax Campaign kickoff ng Revenue Region No. 7B-East NCR sa SM Megamall sa Mandaluyong City, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na asahan na ang mas pinaigting na kampanya nila laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
Magkakaroon, aniya, ng pagbabago sa mga susunod na araw tulad ng digitalization transformation kung saan mas magiging madali naman ang pagbabayad ng buwis ng mga taxpayer.
Samantala, nanawagan din si Lumagui sa mga negosyante na maging patas sa kanilang mga transaksiyon.
Sinabi ni Lumagui na isa sa mga tututukan ng kanilang kampanya laban sa tax evasion ang pamemeke ng resibo ng ilang traders.
DWIZ 882